The License and Ring
Last Tuesday. we took a leave from work to process our marriage license, ang mga sumusunod na kwento ay ang aming adventures noong Tuesday.1. Pray
Nag pray kami na mabilis namin malakad lahat ng papers needed to get a license. Nag pray din kami na sana tama lahat yung papers namin at higit sa lahat eh wag kaming mabibigla na baka ang isa pala sa amin eh kasal na hehehehe2. Get Birth Certificate at NSO
5:00 gising na ako to go to East Ave. 7:00 am kami nagkita ni Carlo, kasi sabi ko dapat maaga kami para maaga kaming matapos. Dahil confident kaming maaga kami, so relax lang kami going to NSO. Pagdating sa NSO, lo and behold number 422 na kami. Ang dami nang tao, tapos di pa gumagana yung digital nilang pang tawag ng number, kaya kailangan mong talasana ang tenga, para marinig mo yung number mo. Though there were a lot of people, we praise God kasi 30 minutes lang nakapagbayad na kami.Sabi 2:00pm pa raw namin makukuha ang aming mga birth certificates. Para ma sulit namin ang araw, we decided to go to Binondo and then just come back at 2pm.
3. Ongpin-China Town
One of my favorite place in Manila. From food, colorful authentic chinese things, the katinko (balm) haven and siyempre kilala ang china town sa murang jewelries!!! Take note, sa China town puwedeng tawaran ang alahas. So our objective is to look for the cheapest but unique wedding ring that we could find. Easy lang yun ako pa! THE QUEEN OF CHEAP!!! (in the pix Carlo: naghahanap ng murang ring, Shelby with our friendly sales lady).
Praise God, nakahanap kami ng mabait na tindera yung tipong siya ang naghahabol sa amin. Kasi yung mga ibang pinuntahan namin tingin sa amin para kaming dukha. We saw a unique at cute na design sa muran halaga pa. We don't like a silver ring kasi uso, alam niyo naman kami galit sa uso hehehe joke lang! Everybody is wearing silver ring that's why we opted for a unique but simple rings. Nakakita naman kami. Siyempre bukod sa ring naglibot libot kami, sayang nga lang limited ang time namin, kaya bumalik na kami sa NSO.
4. Q.C. Civil Registry
Pagdating namin sa NSO medyo maaga kami kesa sa time ng release ng papers, pero another favor from God na naman, available na agad yung papers namin so takbo kami ng City hall. Pagdating sa Civil Registry office, may makikita kayong iba't ibang window to accommodate the people's needs. May window para sa bagong silang na sanggol, window para sa namatayan, sa humihingi ng legal seperation at siyempre ang window 10, ang window ng mga magpapakasal. Medyo mahaba ang pila sa window 10, yung iba mukha nang sinakal, yung iba buntis na at yung iba tulad namin, first timers. Dahil first time namin ito medyo nalilito pa kami kung ano ang mga isusulat sa papel at kung ano ang susunod na mga steps, dahil diyan pabalik balik si Carlo kay Manang Window 10. Sabi ko sa kanya "ok lang yung, hayaan mo sa susunod alam na natin" hehehe. Praise God ulit dahil di kami hinanapan ng kung ano ano. Di na rin kami pinag seminar ng buong araw dahil we already attended a seminar sa ISOT. Tapos wala nang ibang tinanong pa sa amin di tulad ng iba ang daming hinanap na papeles. Basta ang sabi balikan daw namin sa November 19!
Wow! that's it tapos na? Galing talaga ng God, iba talaga ang nagagawa Niya if you are in the palm of His hands. PTL!
No comments:
Post a Comment