Sunday, June 15, 2008

Harris and Chari's Wedding

Last Saturday one of my closest friend since college got married. I was overflowing with happiness seeing her walking down the aisle . I was keep on repeating these words to my mind during the ceremony, "Who would have thought......?"

Who would have thought na ang mga bading na tulad namin noong college ay makakahanap ng mga tao---as in tao na totoong lalaki na mapapangasawa. Bukod sa taong lalaki, God's perfect choice pa sa amin. Charri and Harris

Madami na kaming napagdaanan ng bading na ito. We were blockmates sa UP, boardmates, orgmates (UPCB CCC) and within CCC magka ministry pa kami ang unbeatable na WIN ministry. Chari and I with Nesti, Vaneknek and Ceasar (WIN Ministry).

Si Chari ang kasama ko noong first follow-up 1 appointment namin with Ate PI na halos isang linggo din naming pinagtataguan. She was my witnessed noong naliwanagan ako tungkol sa assurance ng aking salvation.
with our blockmates and boardmates

I was privileged to be the one to first hear her sing. Medyo insecure pa siya noon kasi sabi niya mas magaling daw kumanta yung kapatid niya kesa sa kanya. Sabi ko naman kumpara sa akin grabe may potensiyal siya. Every morning maririnig mo boses niya sa CR namin di dahil sa nag pra-practice siya for a concert kundi dahil malamig ang tubig. After sometime di lang sa banyo namin naririnig boses ni Chari, naririnig na namin siyang kumakanta sa Juan Luna Audiorium sa UP, Kantata sa church at unti unti nadi-discover na ng mga tao ang pagiging SOUTH-east ASian songbird niya.

We also had some share of tears during college, mapa Math 11 man yon, family problems at pati na rin financial. Minsan parehong sabay na di dumating ang allowance namin dahil trained kami for survival, makikita niyo na lang kami sa daanan papuntang Engineer's hill na kumukuha ng talbos ng sayote for dinner. But we've survived. We survived a lot of struggles and becuse of those experiences mas lalo naming nakilala si God and began having a burden to also impart these to other people. Kaya hanggang sa CCC pareho kami ng ministry, Evangelism. We've also shared a lot of fun as in lots of fun. Give us a topic and we can tell a story or an experience that we had about that. Don't start us about CAT---as in Melon's cat Prince Charles! Grabe mahaba habang kuwentuhan to.

After college medyo nagkalayo kami pero pareho pa din ang tibok ng puso, to follow God and glorify Him wherever He will bring us. Nagtrabaho ako sa ISOT (Seminary ng CCC) at siya naging staff ng CCC. After eight years, eto na kami nabiyayaan ng God ng mapapangasawa and to Live happily ever after!!!!
My wedding - Her wedding

Who would have thought huh? Only a Sovereign God.

Congrats Harris and Chari!

1 comment:

  1. Ang galing shelby! kakatuwa ka talaga kapatid. Nawa'y marami pa akong mabasa sa iyong blog. mwah. God bless you. Nakakatuwa na nagkasama sama tayo noong Sabado. mwah.

    ReplyDelete